Pag-aalay
Ang Parokya ni Maria, Ina ng Sambayanan ng mga Dukha sa Quirino, Prelature ng Infanta, ay nag-lisa sa Pilipinas maging sa buong mundo sa ngayon. Kaya ang paggawa ng munting kasaysayan nito ay nakikita naming napakahalaga upang mapalago ang pagkilala at debosyon sa ating Mahal na Ina na nagbibigay ng pangangalaga at pag-asa sa lahat ng mga lumalapit sa kanya.
Kung kaya, sa pagdiriwang ng Pastoral na Pagdalaw ng aming Obispo ng Prelatura ng Infanta, Lubhang Kagalang-galang Dave Dean Capucao, D.D. sa aming Parokya ay aming iniaalay ang payak na handog na ito.
Sa aming Ina, na siyang aming modelo ng pagmamahal at paglilingkod sa kapwa ay aming idinadalangin ang patuloy na paggabay sa aming sambayanan, simbahan at sa aming mga MSK patungo kay Jesus, na Siyang bukal ng biyaya, habag at awa.
"Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamong awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan." - Hebreo
4:16
Rev. Fr. Arnel Riofrio, FLP
Kura Paroko
Hunyo, 21, 2026